Oha ang haba ng title ko.
+++
Kahapon nagluto na naman kami! Spaghetti ulit kaso meat sauce na at may mojos pa! Masaya masaya... at kumain kami habang nanonood "Ang Cute ng Ina Mo." I can honestly say that it was one of the most educational movies I have ever watched. Galing grabe.
INDIA
I- inside
N- now
D- dahil
I- imbyerna
A- ako
IRAN
I- Ikaw
R- rin
A- ang
N- nawalan
Yes!
+++
Meron akong nararamdaman pero hindi ko alam kung paano sasabihin... alam niyo yung parang bumibigat yung sikmura niyo tapos parang nagbubuhol yung entrails at sama-samang lumulubog sa kung saang hindi ko alam... yung parang kaba... yung parang... parang... crush... yung parang... pag-ibig...
kelangan ko sigurong pumunta sa banyo.
+++
Ang dami kong dapat isipin
hindi ka na maisingit
pero sa gayong nalaman kong
wala akong panahon sa'yo
naisip na rin kita kahit paano.
+++
Kanina pumunta kaming SM Megamall, Lopez Museum, at SM Megamall ulit. Kasi bumisita kami sa art walk sa SM at umattend naman ng lecture ng dalawang artists sa Lopez Museum... so makulay ang araw ko. Gusto ko sanang i-post yung pictures nung mga paintings and photographs kaso baka makasuhan ako dahil sa intellectual property rights. Pwede na akong makulong. Ahuhu
Bumili nga pala kami ng candy apple. Ayun kakaiba. Masaya, masarap din. Hindi ko na nakuhanan ng picture kasi... ayun. Kinain ko na.
Tsaka first time ko palang mag-MRT kanina. Noob me. Ahohohoho