Yeah, whatever makes you happy
Sa wakas natapos na rin yung deliveries (as in pagpapaanak) ko sa Fabella nung Wednesday ng gabi at Thursday ng madaling araw. Hay... past four na ako nakauwi nun, at pupunta kami sa Pateros nang seven. Sure.
Nahirapan akong gumising... katulad nung mga nakaraang araw, nagnanakaw ako ng tulog sa sasakyan papuntang Pateros. Ako na yata ang resident antukin ng group namin. Laging bangag. At bakit kamo kami pumupuntang Pateros nang maaga kahit hindi pa naman dapat kami pumupunta dun dahil free week namin ngayon?
Eh kasi naman, pag dumating yung week ng community namin, super kasagsagan na ng data gathering dun sa isa pang community health nursing subject namin... eh di mamamatay kami. Kaya maaga pa lang, tinotoxic na namin ang aming mga sarili. Ang saya noh?
Nung Tuesday yung unang punta namin dun for ocular inspection. Bilang kami yung unang pupunta, gumawa na kami ng letter para dun sa mga iinterviewhin ng klase. Charan! Sobrang sinabon kami (actually sina Iaii at Eian lang naman ang sinabon kasi sila yung nakipag-usap kay ma'am) dahil dun sa letter pati na rin dun sa interview questions namin. So yun... meeting-meeting sa baranggay hall at ciempre napagdesisyunang i-re-revise yung letter and interview questions bago pa man kami gumawa ng kung anong hakbang. Parang nasayang yung umaga.
Mula sa isang health center, nag-tricycle kami papunta sa isa pang health center para asikasuhin yung spot map. Ayun, dinivide nung Ate Gay (midwife) yung areas tapos bumunot na kami nung area namin. Yung area namin... charan na naman! Ang yaman galore. Anlalaki nung mga bahay tapos anlinis nung kalsada tapos halos walang congestion. Ahuhuhu... ang problema namin ay halos wala silang problema. At bonus pa ang nakakatakot magbahay-bahay kasi baka pagbagsakan kami ng pinto nung mga maharlika. Ahohoho
Ayun.
Balik tayo sa ngayon... ay sa kahapon na lang. Pumunta si Tabs dito sa bahay para gawin yung art tour folio namin. Mejo may nagawa naman kami... at meron na kaming idea kung paano pa gagawin yung ibang bagay. At sabay kaming naghihimutok at nagngangalit habang tumatawa at kumakain... da best!
Ngayon itutuloy ko yung art tour folio. Sana matapos na.