|
Hindi naman kasi siya dapat nalulungkot kasi hindi naman niya kasalanan... siya nga sa tingin ko ang pinaka-malinis ang konsensya sa aming lahat pero siya yung nababagabag. Pero kung malinis na ang konsensya niya at nababagabag pa rin siya, patunay ba ito na depleted/wala na ang konsensya namin? N105 kasi eh... sana lang hindi lang utak ko na-autoclave dun... pati kaluluwa na rin. +++ Nung nalaman kong hindi ka pwedeng uminom nang humihinga, sinubukan kong gawin yun. Hindi naman ako naging successful. Ngayon alam ko nang detrimental pala sa kalusugan kung naging matagumpay ako sa ganung gawain. +++ Dati nung maliit pa ko, madalas kaming pumunta sa Quiapo. Nakikita ko doon yung mga tinitinda sa gilid ng simbahan-- yung mga samu't saring dahun-dahon, mga kahoy na pilipit, at mga boteng may label na "pamparegla." Sabi ko sa sarili ko, "Bakit naman gugustuhin ng mga babaeng magkaregla? Eh ang hassle kaya nun!" Ngayon alam ko na. Ang mga tao talaga... ang hilig magkasala. +++ Ang problema sa mga life changing lessons na nakukuha ko sa buhay ko, napapabago lang nila ako ng ilang minuto. Ilang araw at most. Tapos nakakalimutan ko na sila. Iba na talaga pag nasanay sa rote learning. Pati siguro pagmamakaawa para sa salvation pag mamatay na ko ika-cram ko pa. |
| Leave a Comment: |